-
4 days nalang before my kaarawan, like, the one you call birthday, you know.
Guythh, penge namang love life o. Kahit yun nalang birthday gift nyo sakin tska Valentine gift na rin. Nakakainis na kasing makakita ng couples na sweet na sweet e, tapos ako e nakikisawsaw lang sa relasyon nila. Kumbaga, nakikihati lang sa kilig. Trololol. For almost two years, ganyan ako. Yung taga-tukso, taga-‘yiiie’. Dapat binabayaran ako pag nanunukso ko e. Dagdag kilig kaya pag may nanunukso sa’yo. Lalo mong naa-appreciate yung ginawa ng jowa mo para sa’yo. Sana next time ako naman yung tuksuhin. Aj3j3j3
-
Unti-unting pumatak ang luha ng langit. Kumulog. Sunud-sunod. Natakpan ng ulap ang buong kalangitan, hanggang sa gurampot na liwanag na lamang ang natanaw.
Tuluyan na ngang bumuhos ang ulan. Nabasa na ang tigang na lupa. Sumilong na ang mga ibon. Nabanlawan na ang mga tuyong dahon. Hindi nagtagal, unti-unti ring nangilid ang mga ulap, pinasinayaan ang paglubog ng araw.
-
Lame. Ang lame kong mag-blog nitong mga nakaraan. Sobra.
Araw-araw akong nagt-Tumblr, mga nasa tatlong oras o higit pa sa loob ng isang araw. Pero ang post ko, isa lang kada araw. Dati naman ang sipag-sipag ko. Dati naman, hindi ako nawawalan ng sasabihin. Pero ngayon, UGH.
Napakadalas ng mablangko ang utak ko. Tapos, wala pa kong mahanap na inspirasyon para i-blog. Dati naman kahit simpleng nahulog lang na tuyot na dahon, nagagawan ko ng text post. Pero ngayon, nabuwal na yung mismong puno, wala. Ayaw pa ring gumana ng utak ko.
Siguro kaya ako nagkaganito dahil na rin sa higit dalawang taon na ko dito. Siguro nagsawa na ko. Siguro.. Ewan ko ba. Puro nalang ako siguro. Pero hindi ko naman magawang i-deactivate ‘tong blog na ‘to. Masyadong malaking parte na ang nagampanan nya sa buhay ko e. Ay teka. Masyadong OA yun. Hm. Kumbaga, “it’s already a part of my daily routine”. Yun nalang. Dapat siguro magbakasyon muna ako mula sa pagbblog. Ay ewan.
-
11:11 Sana next time maabutan na kita.
-
It’s just a crush, it’s not love or anything. Don’t want to exaggerate. Perhaps I just find him cute— the way he smiles, the way he talks, the way he chuckles and the way his eyes twinkle when he laughs. Maybe I’m exaggerating what I feel. I don’t want to assume nor expect because in the end, I’ll be disappointed. He probably has high standards with girls; he wouldn’t go for a messed up girl like me.
(Source: psycholust, via mademoisellechiarra)
-
(Source: johnrdz17, via obliviateplease)
-
Hi. Matumal na araw na naman. Batugan Saturdays~
11:30 na ko nagising, 3AM na kase ko natulog kagabi e. Hihizz. Kanina pa ko online, mga 1, pero sadyang tinamad akong magpost. Pinanood ko lang ang dashboard. Ay, nagtext nga pala yung elementary crush ko kanina. Ang totoo nyan, wala namang kwenta yung pinag-usapan namin. Hindi nga karapat-dapat maisama sa post na ‘to e. Pero kasi natuwa lang ako na nagPM sya. TEHEEE. Ang nakakapanlumo lang, epic fail ako. 10AM sya nagtext, 12NN na ko nakapagreply. ////superfacepalm
Pero nakapag-usap naman kami. Kaso e medyo busy na sya nun kaya saglit lang. Kasi naman ang tagal ko bago nagising e. -________- Ang tagal ko tuloy bago nakareply. F A I L
-
Wag kang makampanteng may itsura ka, dahil mawawala yan, oras na tabihan kita.

(Source: palsy-walsy)
1/1184