-
Lame. Ang lame kong mag-blog nitong mga nakaraan. Sobra.
Araw-araw akong nagt-Tumblr, mga nasa tatlong oras o higit pa sa loob ng isang araw. Pero ang post ko, isa lang kada araw. Dati naman ang sipag-sipag ko. Dati naman, hindi ako nawawalan ng sasabihin. Pero ngayon, UGH.
Napakadalas ng mablangko ang utak ko. Tapos, wala pa kong mahanap na inspirasyon para i-blog. Dati naman kahit simpleng nahulog lang na tuyot na dahon, nagagawan ko ng text post. Pero ngayon, nabuwal na yung mismong puno, wala. Ayaw pa ring gumana ng utak ko.
Siguro kaya ako nagkaganito dahil na rin sa higit dalawang taon na ko dito. Siguro nagsawa na ko. Siguro.. Ewan ko ba. Puro nalang ako siguro. Pero hindi ko naman magawang i-deactivate ‘tong blog na ‘to. Masyadong malaking parte na ang nagampanan nya sa buhay ko e. Ay teka. Masyadong OA yun. Hm. Kumbaga, “it’s already a part of my daily routine”. Yun nalang. Dapat siguro magbakasyon muna ako mula sa pagbblog. Ay ewan.
//