Unti-unting pumatak ang luha ng langit. Kumulog. Sunud-sunod. Natakpan ng ulap ang buong kalangitan, hanggang sa gurampot na liwanag na lamang ang natanaw.
Tuluyan na ngang bumuhos ang ulan. Nabasa na ang tigang na lupa. Sumilong na ang mga ibon. Nabanlawan na ang mga tuyong dahon. Hindi nagtagal, unti-unti ring nangilid ang mga ulap, pinasinayaan ang paglubog ng araw.