-
Kaninang umaga, naikwento ko kay Kuya na may meet-up sa Trino, ang dami kakong pupunta at ang dami ring give aways. Ang sagot nya sakin, “Bat di ka pumunta?”
And I was liek, “SRSLY? So you mean papayagan mo ko?!! :O” /Pero sa utak ko lang yan. Si Kuya kasi ang nanay/tatay dito sa bahay, dahil nga nasa abroad ang parents ko, kaya sya ang masusunod sa halos lahat ng bagay. Kadalasan strikto sya, protective, kaya nga nagulat ako sa sagot nya sakin. Natulala ako nung sinagot nya sakin yun.
Tas sabi ko, “Ha? E. Wala akong pera. Tska malayo.” Ang sagot nya sakin, “Sus. 200 lang pamasahe balikan e.” And again, nagulantang ako sa sagot nya sakin.
So you mean, pinapayagan na nya talaga kong pumunta ng meet-ups? You mean, basta may pera lang ako? Really, bro? Reaaaaaaallyyyy? :D
//