Welcome Bullshits Once in a While
Welcome Bullshits Once in a WhileWelcome Bullshits Once in a WhileWelcome Bullshits Once in a WhileWelcome Bullshits Once in a While

Welcome Bullshits Once in a While

  1. E kasi wala akong mai-post, kaya magrarant na lang ako. Sa salitang balbal, trashtalk. Pero ikkwento ko muna kung pa’no nagsimula ang lahat, para mapahaba na rin ‘tong post na ‘to. Lol~

    Grabe lang talaga ‘tong araw na ‘to. Edi nagtest kami sa halos lahat ng subjects, sunud-sunod. Walang nagbibigay ng break. E kailangan kong magpapirma ng extra curricular para mabilang yung points ko sa graduation, hinadali ko tuloy yung exams. Laging ako yung unang natatapos. Tapos, magpapaalam ako, “Sir/Mam, magCR lang po ako.” Pero may dala akong ballpen at envelope (na may lamang certificates na papipirmahan). Lol. Pero pinapayagan nila ko. So ayun, kada subject, ganun ang ginagawa ko.

    Nung uwian, pasahan na nung extra curricular. Edi pumunta kami kay Mam *toot*. Inabot ko na yung akin kasabay nung sa iba, tas sabi ba naman nya samin, “Tignan nyo, napakairesponsable nyo! A deadline is a deadline! Hindi ako ang mag-aantay sa inyo! Tignan nyo ‘tong papel nyo, lukut-lukot, puro bura. Para kayong nagpasa ng project na pang-75 pero umaasa kayo ng 95 na grade! Nung pinaliwanag ko ‘to, tango lang kayo ng tango. Hindi nyo naman pala ko inintindi! Ayusin nyo nga yan!” So I was like, “Really bitch? Really?”

    Sabihin nyo ng masama ang ugali ko, pero nakakairita lang talaga. Putak sya ng putak. Wala na nga kaming sinasabi, salita pa rin sya ng salita. At isa pa, hindi nya kami naging estudyante ni minsan. Tapos ganun syang makapaglarawan samin na parang kilalang-kilala na nya kami. And another thing, nagrereklamo sya na late namin naipasa yung points, e kelan lang naman nya binigay yung sheets. Tapos kami pa gumawa ng kanya-kanyang certificates na papipirmahan sa bawat teacher concerned. Para namang ang daling maghabol sa teachers. Training ground ata ‘to para sa pirmahan ng clearance e.

    Ay ewannnnn. Pero alam nyo, kapag nakausap nyo si Mam *toot*, mapapagtanto nyong kamukhang-kamukha nya si Ursula.

  2. //