-
Hi Guytttthhh~ Halos kakauwi ko lang from Bulacan Tumblr Meet-up Part 3. Napakabait kong bata. Dapat tularan! Okayyyyy. In bullets!
- First time kong pumunta ng meet-up kanina :-)
- Si Ate Katriz unang kumausap sa’kin.
- Nagstart kami ng 3PM, speed dating. Name, age, URL, random fact.
- May mga natandaan akong pangalan na hindi ko maalala ang mukha, at meron din akong natandaang mukha na hindi ko maalala ang pangalan. Kakaunti lang yung natandaan ko ang pangalan pati mukha. Sorry na. 12MB lang memory ng utak ko e.
- Tumblr trail, Pinoy Henyo, patintero, picture taking and all that.
- Late meryenda at McDo BSU.
- Pumunta pa silang Cabanas after pero umuwi na ko. Wala na kong pera e. Lol
- Kasabay kong umuwi sina Kuya Yabs at yung isang kuya na hindi ko maalala ang pangalan. Sabi senyo maliit memory ko e.
- At ngayon, eto ko, kasalukuyang nag-aantay ng mag-a-upload ng mga pictures kanina. /umaasa sa camera ng iba
Masaya naman yung meet-up. Ang hyper kasi ni Ate Katriz tska ni Kuya Yabs e. Ang saya pang tumawa ni Ate Katriz:)) Yung mga inaya kong pumunta, hindi pumunta. AHUHUHU. Anyways, looking forward to another one :D
//