-
E kasi nga ang saya talaga ng meet-up kahapon :”)
Sobrang kalog nilang kasama. Ang ingay at harot lang namin. Tapos pinalayas pa kami sa Mcdo. HAHAHAHAHAHA. May additional order pa daw ba kami. Hindi obvious na pinapaalis na nila kami. Hindi, hindi talaga~
Tapos lima yata yung may dalang DSLR. Kaya ayun, kapag may picture taking, hindi malaman kung san titingin. Sayang, hindi ako nakanakaw ng kahit na isang camera man lang. Lima naman yun e. Baka sakaling di na mapansin pag kinuha ko yung isa. CHARAUGHT!
Guys, pasensya na nga pala kung ang tahimik ko kahapon. Kunwari kasi shy type ako. Lol. E first time ko lang kasi sa meet-up. Wala talaga kong alam sa mga nangyayari pag may meet-ups e. Hindi ko alam kung panong gagawin. Pero atleast ngayon may alam na ko. Tao na ko:)) Sobrang nag-enjoy ako. Salamat Bulacan Tumblristas!
//